Mother’s day nanaman, it is the
perfect time of the year to pay tribute sa mga mothers. Pero napaisip ako bakit
kaya walang Son’s or Daughter’s day? Kasi para sakin nagkakaroon ng saysay ang
pagiging ina dahil sa mga anak. Bilang mother’s day today, medyo nakapag-isip
isip ako at napagtanto ko kung paano ang pagiging isang ina ko ay naging
makabuluhan, masaya and how it changed my life. Let me share to you this open
letter I made for my son two days before mother’s day.
I woke up at 2:30am last Friday kasi
kumakalam ang tiyan ko, ewan ko ba dahil siguro kokonti ang kinain kong dinner. Nagdadiet din
kasi ko pag may time hehe.. So nagsnack ako and then I decided na manood muna
ng TV after para matunawan muna before going back to sleep. Wala rin akong
mapanood na maganda sa TV at dahil naka-mute sya kasi natutulog ang mag-ama
ko, lalong hindi ko naappreciate yung palabas. Tapos bigla akong napatingin sa
anak ko na super sarap ng tulog. Ang sarap lang panoorin ng mga bata
pag natutulog. Alam ko yung mga may anak na sa inyo diyan nakakarelate kayo. Tapos suddenly I thought of writing down a letter for my son, which I hope mabasa nya
someday. Kaya I posted it here para kung sakaling mamisplace ko man someday eh at least nandito lang sa blog ko. So here it goes.
Dear Bren,
Mommy wrote you a letter so that someday you'll be able to know what
mommy feels right now. Kasi kahit naman sabihin ko sayo ang mga bagay na ito
now eh hindi mo pa masyadong maiintindihan. Malapit na kasi ang mother’s day
baby. At habang pinapanood kita matulog ngayon naguumapaw sa tuwa ang puso ni
mommy dahil dumating ka sa buhay namin. I want you to know na ikaw ang best
blessing ever sa amin ni God. Masaya na kami ni daddy nung wala ka, pero
sobrang saya namin lalo nung dumating ka dahil kinumpleto mo kami. Ikaw ang living proof ng great love namin for each other. And while you are growing mas
nadadagdagan pa yung joy and gratefulness na nararamdaman ko dahil sayo.
Thankful ako baby kasi since day one hindi mo ako pinahirapan. Hindi mo
nga ako pinag labor kasi nagpa-CS ka eh..hehe Pero seriously, alam mo magmula nung
newborn ka pa mabibilang ko sa daliri ko yung number ng mga gabing napuyat ako dahil
sayo. Marunong ka kasi makisama, alam mo yatang hindi pwedeng mapagod masyado
si mommy.
Pag nagpapabakuna tayo never akong nastress sayo kasi hindi ka umiiyak at
brave ka kahit nung medyo big kana. Thankful ako kasi napakamasayahin, bibo at
daldal mong bata. Kahit saan tayo magpunta wala sa bokabularyo mo ang salitang
“hiya” hehe kaya naman lagi kang recognized agad. Syempre given na yung looks mo na
gwapo ka, anak yata kita hehehe.. Thankful ako kasi hindi ka sakitin, and that’s one of the many things na lagi kong
pinagpapasalamat kay God. Hindi ikaw yung tipo ng bata na naoospital or pabalik
balik sa doctor. Kaya I will continuously pray na maging healthy and strong ka always.
Huwag kang tutulad kay mommy na asthmatic at hypertensive ha.
Thankful ako kasi
hindi ako nagkamali ng decision na iwan ang work ko para magfull-time mommy
sayo. Kasi walang makakapantay sa lahat ng oras na pinagsamahan natin, at lahat
ng milestones mo in the past 5 years na nawitness ko. Sobrang rewarding na
maging mommy mo baby. Thankful ako kasi hindi ko naranasan yung magising in the
middle of the night dahil basa ang bed dahil never kang nagweewee sa bed.
Nakatipid nga kami agad sayo kasi at 3 years old hindi kana nagdadiaper eh. Thankful din ako kasi at
4 years old sa glass kana nagdridrink ng milk and hindi ka pa nanggigising sa gabi para
humingi ng milk. Binawasan mo agad ang chores
ko kasi wala ng feeding bottles na iwaswash at i-sterilize.
Thankful ako kasi
nung first day mo sa school hindi ka umiyak, natakot or umayaw.
Sobrang smooth lang lahat for us. That time you made me feel how much trust you have in me.
Alam mo Bren masayang masaya ako kasi I was by your side sa lahat ng
milestones mo. Unang dapa, unang ngiti, unang iyak, unang tawa, unang upo,
unang tayo, unang kain, unang haircut, unang hakbang, unang swim, unang dance, unang kanta, unang travel, unang pasko, unang bagong taon at marami pang ibang una. Pero higit sa lahat si mommy ang first kiss and first hug mo. And I haven't gotten used to it. Kasi bawat hug and kiss mo sakin each day ay parang laging bago. It really warms my heart.
I remember nung first day natin sa bahay from the hospital I felt helpless and was so scared nung bath
time mo na, kasi si mama super natatakot rin magpaligo sayo. So mommy had no choice but
to be brave. Kaya ayun natutunan kong paliguan ka on my own mula day one. Ang liit liit mo
kasi baby sobra, 5.2 lbs ka lang kasi. Wrinkled pa yung skin mo tapos ang lambot. You look so fragile. Pero alam mo ba na nung lumabas ka sa tummy ni mommy may tooth
kana? Yes baby, meron na yung isang lower front tooth mo. Oh diba? Ikaw na
advance baby hehe..
Tapos naremember ko nung nagkatigdas and mumps ka mag 2
years old ka palang nun. Natakot talaga kami ni daddy lalo nako, pero alam mo kahit na mataas na
lagnat mo napakaplayful mo parin. It was like you're assuring me that you're fine and you will be alright. Kaya thankful nanaman ako kasi lahat yun nangyari na nasa
pangangalaga kita. Lagi tayong magkasama. Sa pagkain, pagligo, sa pagluluto ko
nasa dining table ka rin naglalaro habang hinihintay mo'ko. Pati nga sa
pagpoopoo sabay tayo eh. Akalain mo?hehe Kasama kita sa mall, sa palengke, sa
church, sa bangko at sa lahat ng pinupuntahan ko palagi. Tayong dalawa hindi
naghihiwalay.
Kaya naman siguro ganon mo ako kamahal. Oo alam ko na mahal mo ako.
Kasi lahat pagdadamutan mo na, pero ako hindi.
Pag alam mong masakit ang ulo ko minamassage moko, kahit na lalo akong
nahihilo sa massage mo okay lang kasi alam ko concerned ka. Pag nauuna ka gumising sa umaga, kinikiss
mo ako hanggang sa magising ako. At higit sa lahat pag nagagalit ako at
napapalo na kita, niyayakap mo parin ako at sorry ka ng sorry hanggang sa
tumigil ako. Alam kong mahal mo ako kasi you never fail to let me know. You
would often tell me you love. Kahit na nanonood lang tayo ng TV or naliligo,
bigla mo akong ikikiss at sasabihan ng “I love you”. Si daddy nga minsan
naiinggit na eh. Pero naiintindihan nya naman yun, basta tayong tatlo solid
palagi, okay?
Thankful and proud ako kasi you strive your best sa school. Baby, thank you
sa magagandang grades and sa awards na inuwi mo sa iyong first year sa school. I don't wanna put so much pressure on you. Hindi ko hinihiling na maging top of the class ka or honor pupil. Basta nag-aaral ka ng mabuti, naiintindihan mo ang lessons at hindi ka bumabagsak, okay nako dun. Kasi mas gusto ko ng ineenjoy mo lang.
Thankful ako kasi kahit makulit
at magulo ka, marunong kang makinig at may takot ka sa amin ni daddy. Normal
lang naman yung makulit at nagulong bata, mas gusto ko na yun kesa naman yung nasa isang sulok ka lang na
hindi umiimik. You don’t know how happy and proud you make us each day. Kaya
naman kahit hindi tayo mayaman eh super spoiled ka samin ni daddy, even nga kila
mama at papa. Pero sana wag kang lumaking abusado. So far nakikita ko naman how grateful ka sa mga blessings at rewards na narereceive mo from us. Ipagpatuloy mo yung ganyan baby ha.
Alam kong hindi parin ako perfect mom kahit na hands on ako sayo simula pa nung una. Pero I hope and pray na mapalaki ka naming mabuting tao. Always keep in mind that we love you so much na kahit buhay namin ibibigay namin sayo. I promise to always be with you in
every step of the way to the best that I can, to guide and help you get through everything. Sana kahit
big kana sweet ka parin sakin at love mo parin si mommy at daddy ha. Ikaw ang
buhay ko baby kaya sobra kong dinevote lahat sayo. Kaya every mother’s day,
sobrang nanunumbalik sakin lahat ng pinagsamahan natin magmula maliit ka pa at
natutuwa ako on how you’ve grown to be a loving and so affectionate boy lalo na
sa akin. Yan talaga ang hinding hindi ko maipagpapalit sa kahit na ano pa man.
O sya baby napapahaba na ito and it’s 4:20am na, mommy’s got to sleep na kasi in about 30
minutes I have to be up na ulit kasi may pasok si daddy sa office. Napuyat ako
pero okay lang it’s Friday naman and excited na ako sa isa nanamang family
weekend natin. ;-)
Love, Mom
Alam nyo I was so full of emotions when I wrote this letter, hindi ko macontain yung happiness at yung proudness ko. I cannot imagine how it would be like to miss all of Bren's firsts, kasi yun yung mga bagay na hindi na maibabalik. Seeing yung reaction and kung paano nya nagawa yung mga bagay for the first time is just so priceless. At ngayon na medyo big na sya, masaya at excited na akong magtry pa ng mga new things na pwede na nyang gawin. It is really our kids that make life as a mother worth living. And not all of us will become mothers, kaya sa ating mga pinalad let's cherish and enjoy it.
Happy mother's day to all the mothers and the mothers of those of you reading this!:-*
No comments:
Post a Comment